Monday, December 16, 2019

Suring-Basa sa Tekstong: Awit ng Ina sa Kanyang Panganay: Awiting ng paghehele ng mga taga-Didinga

1.       PAGKILALA SA MAY AKDA
-          Ang may akda ay hindi nasabi, natutukoy lamang ay kung saang lugar ito nanggaling. Maaaring ang akda ay isinulat ng isang Ina mula sa Uganda. Maaari rin na ang tula ay nagpasalinsalinlamang kaya hindi natukoy ang tunay na may akda.
Image result for didinga

2.       URI NG PANITIKAN
-          Ang uri ng panitikan ng “Awit ng Ina sa Kanyang Panganay” ay isang tula. Ang tula ay isang malayang uri ng taludturan sapagkat ito ay walang sukat at tugma.

3.       LAYUNIN NG AKDA
-          Ang layunin ng akda ay ang ipadama ng mga ina ang pagmamahal sa kanilang anak. At layunin din nito ang pagsasaalangalang ng kinabukasan ng mga sanggol at ang kanilang ina.
Related image

PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN:
-          HUMANISMO: mababasa sa akda ay may tungkol sa kakayahan ng isang sanggol ayon sa Ina.
Ø  “Nagniningning ang talim sa iyong mga mata.”
Ø  “Kaninong espirito ang nananahanan sa iyo, munting madirigma.”
Ø  “Hinusgahan nila ang iyong katawan at binalutan ito ng kariktan.”
-          ROMANTISISIMO: makikita sa akda ang labis na pagmamahal ng Ina sa anak.
Ø  “O aking anak, labis ang aking kagalakan.”
Ø  “Anak, anak, anak ko, ikaw ay tinatanggap nap ag-ibig sa aking asawa.”
Ø  “Ngunit ngayon, ngayon lang ako nagkaroon ng ganap na pag-ibig.”

4.       TEMA O PAKSA NG AKDA
-          Ang lugar na Uganda ay naniniwalang ang kanilang anak ay tila ang pinakamakabuluhan para sa kanilang mga magulang. Napapanahon ito dahil maraming mga magulang ay binibigyang importansya ang kanilang mga supling kung saan nararapat lamang.

5.       MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
-          Ang “Ina” ang naging persona ng buong tula at ipinapakita ang kanyang perspektibo ng Ina. Ang “anak” naman ang tinutukoy o inuugnay na nagbibigay kasiyahan sa Ina. Nabanggit din ang ama ngunit hindi gaanong nabanggit sa akda ang kanyang papel.

6.       TAGPUAN/PANAHON
-          Ang tagpuan ay sa Uganda. Ito ay nilalaman ng mga tribo sa Uganda at bawat isa sa kanila ay ma may natatanging tradisyon. Ito ay naganap sa kabundukan ng Didinga sa Hilagang Uganda.
Image result for uganda map


7.       NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
-          Kapag iyong binasa ang tula ay makikita ang Ina ay kinakausap ang sanggol tungkol sa maraming bahay hanggang matapos ang tula. Mapapansin ang kultura ng mga taga-Didinga sa akdang binasa. Positibo ang naging pahayag ng Ina o ang persona para sa kanyang anak tulad ng isang pangkaraniwang relasyon sa pagitan ng ina at anak.

8.       MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
-          Responsibilidad ng isang ina ang gawin ang lahat para sa kanyang anak. Walang kapantay ang pagmamahal at pag-aalaga ng ina sa kanyang anak. Hindi sa lahat, mahal tayo ng ating ina, at inaasam ng ating ina ang pinakamabuti para sa atin sa anumang oras.

9.       ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
-          Sa aming opinion, mababaw ang pagkakasalin at hindi masyadong matalinhaga ang tula ngunit hindi ito masamang bagay. Sapagkat dahil dito madali mong/kong naintindihan at maunawaan ang tula. Sa kadahilanag walang sukat at tugma ang tula. Tila ito parang isang mahabang pahayag o isang liham.

10.   BUOD
-          Ang anak ay biyaya na pinasasalamatan ng isang ina. Ayos sa mga taga-Didinga, ipinagdiriwang nila ang pagpili ng pangalan ng kanilang isinilang na anak. Sa tulang ito ay nabanggit din ang tradisyon o kultura na kanilang pinaniniwalaan tulad ng pag-ibig o pagmamahal ng magulang sa kanilang anak.

Mga Tanong:


1.       ANO ANG KANILANG IPINAGDIRIWANG
A.      PANGALAN NG ANAK
B.      DAHIL PIYESTA
C.      DAHIL SA DIYOS
D.      DAHIL MAY ISINILANG NA SANGGOL

2.       ANO ANG ITINUTURING BIYAYA NA PINASASALAMATAN NILA RITO?
A.      ANG MGA PAGKAIN
B.      ANG BOSES
C.      ANG ANAK
D.      ANG KANILANG SARILI

3.       SAANG LUGAR ITO SA KONTINENTENG AFRIKA NAGMULA?
A.      ETHIOPIA
B.      UGANDA
C.      REPUBLIC OF THE CONGO
D.      SOMALIA

4.       ANO ANG KAAKIBAT NA RESPONSIBILIDAD NG INA PARA SA KANYANG ANAK?
A.      MAHALIN NG LUBOS AT MAGBIGAY NG ORAS PARA SA KANYANG ANAK.
B.      IBIGAY LAHAT NG PANGANGAILANGAN SA KANYA
C.      WALA SA NABANGGIT
D.      LETRANG A AT B

5.       ANO ANG TAWAG SA TRIBO NA GALING SA KWENTO?
A.      DIDINGA PEOPLE
B.      IGOROT
C.      UGANDAN
D.      WALA SA NABANGGIT