1. PAGKILALA
SA MAY AKDA
-
Ang may akda ay hindi nasabi, natutukoy lamang ay kung
saang lugar ito nanggaling. Maaaring ang akda ay isinulat ng isang Ina mula sa Uganda.
Maaari rin na ang tula ay nagpasalinsalinlamang kaya hindi natukoy ang tunay na
may akda.
2. URI
NG PANITIKAN
-
Ang uri ng panitikan ng “Awit ng Ina sa Kanyang Panganay”
ay isang tula. Ang tula ay isang malayang uri ng taludturan sapagkat ito ay
walang sukat at tugma.
3. LAYUNIN
NG AKDA
-
Ang layunin ng akda ay ang ipadama ng mga ina ang
pagmamahal sa kanilang anak. At layunin din nito ang pagsasaalangalang ng
kinabukasan ng mga sanggol at ang kanilang ina.
PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN:
-
HUMANISMO: mababasa sa akda ay may tungkol sa
kakayahan ng isang sanggol ayon sa Ina.
Ø “Nagniningning
ang talim sa iyong mga mata.”
Ø “Kaninong
espirito ang nananahanan sa iyo, munting madirigma.”
Ø “Hinusgahan
nila ang iyong katawan at binalutan ito ng kariktan.”
-
ROMANTISISIMO: makikita sa akda ang labis na
pagmamahal ng Ina sa anak.
Ø “O
aking anak, labis ang aking kagalakan.”
Ø “Anak,
anak, anak ko, ikaw ay tinatanggap nap ag-ibig sa aking asawa.”
Ø “Ngunit
ngayon, ngayon lang ako nagkaroon ng ganap na pag-ibig.”
4. TEMA
O PAKSA NG AKDA
-
Ang lugar na Uganda ay naniniwalang ang kanilang anak
ay tila ang pinakamakabuluhan para sa kanilang mga magulang. Napapanahon ito
dahil maraming mga magulang ay binibigyang importansya ang kanilang mga supling
kung saan nararapat lamang.
5. MGA
TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
-
Ang “Ina” ang naging persona ng buong tula at
ipinapakita ang kanyang perspektibo ng Ina. Ang “anak” naman ang tinutukoy o
inuugnay na nagbibigay kasiyahan sa Ina. Nabanggit din ang ama ngunit hindi
gaanong nabanggit sa akda ang kanyang papel.
6. TAGPUAN/PANAHON
-
Ang tagpuan ay sa Uganda. Ito ay nilalaman ng mga
tribo sa Uganda at bawat isa sa kanila ay ma may natatanging tradisyon. Ito ay
naganap sa kabundukan ng Didinga sa Hilagang Uganda.
7. NILALAMAN
O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
-
Kapag iyong binasa ang tula ay makikita ang Ina ay
kinakausap ang sanggol tungkol sa maraming bahay hanggang matapos ang tula. Mapapansin
ang kultura ng mga taga-Didinga sa akdang binasa. Positibo ang naging pahayag
ng Ina o ang persona para sa kanyang anak tulad ng isang pangkaraniwang
relasyon sa pagitan ng ina at anak.
8. MGA
KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
-
Responsibilidad ng isang ina ang gawin ang lahat para
sa kanyang anak. Walang kapantay ang pagmamahal at pag-aalaga ng ina sa kanyang
anak. Hindi sa lahat, mahal tayo ng ating ina, at inaasam ng ating ina ang
pinakamabuti para sa atin sa anumang oras.
9. ESTILO
NG PAGKAKASULAT NG AKDA
-
Sa aming opinion, mababaw ang pagkakasalin at hindi masyadong
matalinhaga ang tula ngunit hindi ito masamang bagay. Sapagkat dahil dito madali
mong/kong naintindihan at maunawaan ang tula. Sa kadahilanag walang sukat at
tugma ang tula. Tila ito parang isang mahabang pahayag o isang liham.
10. BUOD
-
Ang anak ay biyaya na pinasasalamatan ng isang ina.
Ayos sa mga taga-Didinga, ipinagdiriwang nila ang pagpili ng pangalan ng
kanilang isinilang na anak. Sa tulang ito ay nabanggit din ang tradisyon o
kultura na kanilang pinaniniwalaan tulad ng pag-ibig o pagmamahal ng magulang
sa kanilang anak.
Mga Tanong:
Mga Tanong:
1. ANO ANG KANILANG IPINAGDIRIWANG
A. PANGALAN NG ANAK
B. DAHIL PIYESTA
C. DAHIL SA DIYOS
D. DAHIL MAY ISINILANG NA SANGGOL
2. ANO ANG ITINUTURING BIYAYA NA
PINASASALAMATAN NILA RITO?
A. ANG MGA PAGKAIN
B. ANG BOSES
C. ANG ANAK
D. ANG KANILANG SARILI
3. SAANG LUGAR ITO SA KONTINENTENG
AFRIKA NAGMULA?
A. ETHIOPIA
B. UGANDA
C. REPUBLIC OF THE CONGO
D. SOMALIA
4. ANO ANG KAAKIBAT NA RESPONSIBILIDAD
NG INA PARA SA KANYANG ANAK?
A. MAHALIN NG LUBOS AT MAGBIGAY NG ORAS
PARA SA KANYANG ANAK.
B. IBIGAY LAHAT NG PANGANGAILANGAN SA
KANYA
C. WALA SA NABANGGIT
D. LETRANG A AT B
5. ANO ANG TAWAG SA TRIBO NA GALING SA
KWENTO?
A. DIDINGA PEOPLE
B. IGOROT
C. UGANDAN
D. WALA SA NABANGGIT