Thursday, January 9, 2020

Suring-Basa sa Tekstong: Long Walk To Freedom


│IKA-LIMANG GRUPO NG ZINC│

LONG WALK TO FREEDOM
ni Mielad Al Oudt Allah
Salin ni Marina Gonzaga-Merida


Sinuri nila: 
➸ Alejandria, Daniel
➸ Dinsay, Andrea
➸ Dungo, Charles Aaron
➸ Pilon, Harvey Kent
➸ Tungpalan, Chastine Blue



✥PAGKILALA SA MAY-AKDA✥
  • Ang sanaysay mula South Africa na "Long Walk to Freedom" na isinulat ni Mielad Al Oudt Allah ay patungkol kay Nelson Mandela na naging inspirasyon ng may-akda upang maisulat ang nabanggit na panitikan. Si Mielad ay nag-aral ng kaniyang leksiyon sa larangan ng politika na kaniyang Master's Degree matapos likhain ang akda at librong "Long Walk to Freedom" upang subukan ang kaniyang kakayahan sa pagiging pinuno at kung paano nito maapektuhan o paano ito magkakaroon ng epekto sa kaniyang pribadong buhay at paraan ng kaniyang pag iisip.
✥URI NG PANITIKAN✥
  • Ang "Long Walk to Freedom" ay isang sanaysay na galing sa bansang South Africa. Nagtataglay ang akdang ito ng pananalig, pagtitiwala, at pag-usbong ng pag-asa. Ito ay nagpapakita sa buhay ni Nelson Mandela at sa realidad ng buhay noon.
✥LAYUNIN NG AKDA



  • Ang layunin ng akda ay upang manghikayat at magmulat ng bawat kaisipan at intelektwal ng mga mambabasa ukol sa kung paano ipinaglalaban ng isang indibidwal ang kaniyang kalayaan.
✥TEORYANG PAMPANITIKAN A. MARKSISMO

➛ "Si Nelson Mandela ay hindi nagmula sa mayamang pamilya, walang labis na pribilehiyo."
➛ "..Kinailangan niyang magtrabaho araw-araw upang makamit ang kaniyang layunin at upang maging kung ano siya ngayon."
➛ "Lumaki si Mandela sa lipunang naniniwalang ang puti ay nakakahigit sa lahi sa kadahilanang sila ay puti."
B. HUMANISMO

➛ "Ang tanikala ng isang mamamayan ay tanikala ng buong bayan, ang tanikala ng bayan ay akin ring tanikala."
➛ "Noong si Mandela ay naging pangulo ng South Africa, siya ay nagtalumpati sa kaniyang mamamayan na siya isang karaniwang tao na tulad nila at ang kaniyang mga karanasan sa buhay ay tagapaghubog ng kung ano siya ngayon."
➛"... Ito ay makikita sa bisyon ni Mandela ukol sa mga tagong potensiyal ng bawat isa na naghihintay lamang ng pagmumulat para maihayag."

✥TEMA O PAKSA NG AKDA

  • Ang tema at paksa ng akda ay nakatuon sa malawak na kaalaman ukol sa diskriminasyon na masasaksihan sa talambuhay ni Nelson Mandela. Ito ay makabuluhan sapagkat napapalawak nito at naiwawasto ang maling pakahulugan ng tao patungkol sa isyung tinatalakay sa akda at nagpapaloob ito ng mga aksyon na maaari nating tularan.
  • Ang akda ay napapanahon dahil katulad ng diskriminasyon na laganap sa kasalukuyan, ay laganap na rin ang mga taong nanghihikayat upang ipaglaban ang mga daing ng mga taong nakaranas ng isyu na ito. Ito ay nag-aangat sa sensibilidad ng mambabasa na protektahan at ingatan ang kanilang karapatang pantao sapagkat inilalahad ng akda ang mga pangyayari sa mga taong tinatanggalan ng kalayaan at kinukutsa na nagreresulta upang ating maisip ang ating nararapat gawin upang ang ating karapatang magkaroon ng kalayaan ay hindi manakaw mula sa atin.
✥MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
NELSON MANDELA

Siya ang inspirasyon ni Mielad upang gawin ang sanysay na ito at ang naging ilaw upang ipaglaban at ipagtanggol ang kalayaan ng South Africa. GADLA HENRY MPHAKANYISWA Si Gadla ay miyembro ng isang tribo sa Timog-Africa at ang ama ni Nelson na agarang sumakabilang-buhay. Siya ang naging rason upang lisanin ni Mandela ang kanilang bayan. GOBERNADOR MQHKEZWENI Siya ang nag-impluwensiya kay Nelson patungkol sa kahulugan ng demokrasya at sa kaisipan na lahat ay pantay-pantay maging sa kalayaan at sa halaga nila bilang tao. ✥PANAHON/TAGPUAN
TRANSKEI Ito ay isang republika ngunit hindi ito kinilala sa ganoong katayuan. Pinapakita nito ang mga lugar na mahihirap at mga tao na hindi nakakatanggap ng pribilehiyo katulad nila Nelson. MREZO Ang bayan na pinamumunuan ng ama ni Mandela. Ang bayan kung saan masasaksihan ang kahirapan ng bawat mamamayan na kinakailangang kumayod araw-araw upang mabuhay. UNIBERSIDAD NG SOUTH AFRICA Sa Unibersidad na ito nagtapos si Mandela ng kursong Bachelor of Arts. Ito ang naging katibayan sa pagkakaroon niya ng kasarinlan sa buhay kung saan kinakailangan niyang pagaralin at itaguyod ang sarili upang makamit ang kanyang mga hinahangad. JOHANNESBURG Ang pinaka-malaking siyudad sa Timog Africa kung saan itinayo ang kompanya ni Mandela na nagbibigay proteksyon at serbisyong legal para sa mga lahing itim na kadalasan ay hindi maipagtanggol ang kanilang mga sarili laban sa mga umaalipusta sa kanilang pagkatao, na nagapakita lamang ng patunay ng pagsugpo ni Mandela sa diskriminasyon.

NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

 
  • Ang akdang "Long Walk to Freedom' ay hango sa totoong buhay o realidad. Maayos at tugma ang pagkakasunod-sunod nito at maiintindihang mabuti ng mambabasa. Ang mga kaganapan sa akda ay nagmula sa mga pangyayari noong inilahad sa pananaw ni Mielad. Marami ang mga aral na mapupulot sa sanaysay sapagkat ang pagbibigay aral din ang isa sa mga layunin nito.

MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA
  • Ang isa sa mga kaisipan na makikita't mababasa rito ay kung ano ang importansya ng pagkakapantay-pantay sa pagkakaroon kalayaan at pagtatamasa ng kapayapaan; sapagkat ang pagbibigay respeto sa isang tao ay nararapat iba man ang lahing pinagmulan at ang kanyang kulay sa karamihan. 
  • Ang hindi pagkakaroon ng tunay na kalayaan ng isang indibiduwal ay ang isa pang ideyang taglay ng akda sapagkat pilit itong kinukuha sa kanila. Kaya nararapat lamang na ating protektahan ang ating pansariling kalayaan at tulungan naman itong makamit ng ating mga kapwa kung ito'y ipinagkakait sa kanila. 

ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
  • Masasabing epektibo ang estilo ng pagkakasulat ng akda sapagkat may epekto ang mga salitang ginamit dahil harapan nitong tinatatawag at inaakit ang mga tao upang sila ay mamulat sa gustong ipahayag ng may-akda. Wala itong taglay na bias sapagakat ipinapakita lamang nito ang katotohanan at ang realidad ng mga kaganapan sa buhay. 

܍BUOD NG AKDA܍
➤ Si Nelson Mandela ay pinanganak sa isang mahirap na pamilya, kinailangan niyang magtrabaho araw-araw upang mabuhay. Dahil pagkamatay ng kaniyang ama at sa kagustuhan ng kaniyang ina, lumisan si Mandela sa kanilang bayan upang maghanap ng magandang kinabukasan. Dahil dito ay naimpluwensiyahan siya ni Gobernado Mqhkezweni patungkol sa demokrasya. Noong siya ay ipapakasal sa isang babaeng pinili sa kaniya, siya ay naglayas at sumama sa kaibigan niyang naghahanp ng trabaho sa Johannesburg na kinalaunan ay tinayuan niya ng law firm na magtatanggol sa mga lahing itim. Dito siya nakakuha ng pantustos sa pag-aaral kaya nakapagtapos siya sa Unibersidad ng South Africa. Lumipas ang panahon at nalaman ni Mandela ang diskriminasyon sa South Africa na sistemang Apartheid na nag-uugat sa pag-aaral pa lamang nila o sa Bantu Education Act, dito napagtanto ni Mandela na ipaglaban ang kaniyang bayan.



✥MGA KATANUNGAN✥

             1. Sino ang author ng sanaysay na Long Walk to Freedom? (Piliin ang buong pangalan) 
                                             A. Mielad al Oudt Allah            C. Mielad Allah
                                             B. Mielad Oudt al                     D. Nelson Mandela
               2. Saang bansa nagmula ang akda?
                                             A. Dubai                                   C. Iran
                                             B. Timog Africa                        D. Nigeria
               3. Si Nelson Mandela ang pinaka-unang ___________.
                                             A. Puting presidente                C. Pilipinong presidente
                                             B. Lalaking presidente             D. Itim na presidente
               4. Kaninong talambuhay ang makikita sa sanaysay?
                                             A. Mielad al Oudt Allah            C. Mielad Allah
                                             B. Mielad Oudt al                     D. Nelson Mandela
               5. Saan itinayo ang kompanya ni Mandela?
                                             A. Mrezo                                  C. Johannesburg
                                             B. United States                      D. Durban

1 comment: