Thursday, January 16, 2020

Suring basa sa Tekstong: "Ang Munting Prinsipe"


ANG MUNTING PRINSIPE

                                            Isinulat ni Antoine de Saint-Exupery                                                 Isinalin ni Desiderio Chin




PAGKILALA SA MAY-AKDA    



Ipinanganak sa Lynos at isang Prances na manunulat, makata, aristokrata, mamamahayag, at pioneering aviator. 

Sinimulang isulat ni Saint-Exupéry ang ‘Ang Munting Prinsipenoong ikalawang digmaang pandaigdig.

Ang 'Ang Munting Prinsipe' ay kumuha ng inspirasyon sa plane crash sa disyerto ng Sahara.     



URI NG PANITIKAN                                                
                                               
Ang "Munting Prinsipe" ay isang Nobela kung saan ang awtor ay gumamit ng malikhain, kakaiba, at maguni guning mga pangyayari upang mawili at pumukaw ng damdamin sa mga mambabasa. 

Ang nobelang ito ay nagsilbing daan sa pagbibigay inspirasyon at pagbabago. Dahil sa kakaibahan ng nobela mula sa iba pa, ito ay pumukaw ng atensyon ng buong mundo at naibenta ng 140 milyong beses.


LAYUNIN NG AKDA


Ang akda ay may tatlong pangunahing layunin:

>Magbigay ng mga aral na magagamit sa buhay sa mga mambabasa ng nobela.

>Layunin ng akda na magsilbing daan tungo sa pagbabago.

>Higit sa lahat, nais nito na magbigay inspirasyon sa mga mambabasa.


TEMA O PAKSA NG NATURANG AKDA
                                                                         
>Kagaya ng sinabi ng isa sa mga tauhan sa akda,paksa nito na dapat lamang na ang lahat ng tao sa mundong to ay gamitin ang kanilang puso at hindi ang kanilang mata sa pagtingin sa lahat ng mga bagay.

>Paksa rin nito ang pagpapahalaga sa mga kaibigan at hindi pagsasayang ng ating oras at panahon.


PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN
                                                     
>Bayograpikal- Ang akdang ito ay tumatalakay din sa naging buhay ng awtor. Nilalaman nito ang kaniyang mga naging karanasan noong ikalawang digmaang pandaigdig, Ang akda ay sumasalamin sa kaniyang mga pananaw sa buhay at ang kanyang imahinasyon. 


>Realismo- Masasabi na ang akda ay gumamit ng teorya ng Realismo sa kadahilanang ang mga nagyayari sa akda ay nangyayari din sa ating lipunan, binanggit dito ang kawalan ng imahinasyon ng mga tao at sa pagtutuon ng kanilang pansin sa mga bagay na wala naman talagang katuturan, ang mga pangyayariing ito ay nakikita natin na nagaganap sa lipunan, karamihan sa mga tao ay nawawalan ng imahinasyon dahil sa pagaakalang ito ay pambata laman at marami din guagawa ng mga bagay na walang katuturan kaya sa huli ay nauuwi sa wala ang kanilang mga aksyon.

> Sikolohikal- Ang teoryang pampanitikan na ito ay nasasangkot sa naturang akda, ito ay ginamit sapagkat ito ay tumutukoy a pagiisip ng isang tao, makikita natin na malaki ang ginampanan ng pagiisip ng mga karakter lalo na ng munting prinsipe. Sa una ay inaka niya na ang mga rosas ay pare parehas lamang ngunit kalaunan ay kanyang napagtanto na ang rosas na iyon ay naiiba at natatangi.


MGA IMPORTANTENG TAUHAN O KARAKTER SA AKDA
                                                                             


>Munting Prinsipe (PANGUNAHING TAUHAN) - Siya tinuruan ng alamid na tayo ay dapat na tumingin sa mga bagay gamit ang ating puso at hindi ng ating mga mata.


>Ang Alamid at ang Rosas (IKALAWANG TAUHAN)- Ang dalawang ito ay may ginampanang napakahalaga sa munting prinsipe o hindi naman kay ay npakahalaga mismo sa pangunahing tauhan. Ang alamid ang nagturo sa munting prinsipe na dapat ay tumingin tayo gamit ang ating puso at hindi ng ating mga mata. Ang alamid ay isang bagay na napakaimportante o napakahalaga sa munting prinsipe.


>Ang Piloto (AWTOR)- Siya ang naglalahad ng lahat ng mga pangyayari sa nobelang ito. Siya rin ang tauhang kumakatawan sa awtor at sa mga naging karanasan nito, siya ang may eroplanong bumagsak sa disyerto.


TAGPUAN/PANAHON

>Maraming nabanggit na mga tagpuan sa akdang ito, nabanggit dito ang DISYERTO na pinagbagsakan ng eroplano ng piloto, nandito ang IBAT IBANG PLANETA kung saan may mga taong walang imahinasyon, mapagpaimportante, hambog at gumagawa ng mga bagay na wala namang katuturan. Kasama din sa tagpuan ang HARDIN NG MGA ROSAS. 

> Kung ang paguusapan naman ay ang oras o panahon, kadalasan na ang mga oras na binabanggit ay HAPON.





MGA NILALAMAN AT BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Ang konsepto ng nilalaman ng mga pangyayari sa akda ay maituturing na pambata at madali maintindihan, ngunit ang mga pangyayari ay may mga malalim na mga pangangahulugan. Ang balangkas ng mga pangyayari ay wasto, may kaayusan at may kaugnayan hanggan sa pinakahuli. Ang mga pangyayari ay may angkop na pagkakasunod sunod. Mula nang bumagsak ang eroplano sa disyerto at magkita ang piloto at ang munting prinsipe hanggang sa magkita ang alamid at ang munting prinsipe at sa huling parte na nais nang bumalik ng munting prinsipe sa kanyang orihinal na planeta ay may makikitang pagkakatugma tugma at balangkas ng mga pangyayari. Ang mga pangyayari din ay kakaiba dahil wala nang iba pang akda na may ganitong uri ng mga pangyayari kaya ito ay pumukaw ng atensyon ng mga tao sa buong mundo.

MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
                                                                           
>Dapat na maging parte ng ating pagiging tao ang paglalakbay dahil marami tayong matututuhan dito.

>Dapat na ang gamitin natin ay ang ating mga puso at hindi ang ating mga mata upang makita ang kahalagahan ng mga bagay.

>Ang pagpapakita ng pagiibig sa mga tao sa ating paligid ay nararapat.

>Ang lahat ng bagay sa mundng ito ay may espesyal na katangian kahit na minsan ay hindi natin ito nakikita..

>Pagkakaroon ng pagpapahalaga sa mga bagay na nasa ating paligid gaano man ito kaliit o kalaki.



ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
                                                                        
Ang akda ay gumamit ng mga kakaibang istilo upang ito ay maisulat, gumamit ito ng mga simbolismo sa mga tao bilang isang estilo. Kagaya ng paglalarawan ni Antoine de Saint- Exupery sa kanyang asawa bilang ang rosas at ang alamid ay inilarawan nya sa kanyang kapatid na si Francois. Bagamat ang nobela ay madaling intindihin para sa lahat ng mga mambabasa, malalim ang nakapaloob na pagpapakahulugan nito. Ang istilo ay hindi gasgas at hindi palaging nakikita sa ibang nobela kaya ito ay namumukod tangi. Sa estilo ng pagsusulat ay nangibabaw ang imahinasyo at pagiging malikhain ng awtor ng akda.

BUOD

Ito ay tungkol sa isang prinsipe na naninirahan sa isang maliit na planeta kasama ng tatlong bulkan, mga umusbong na baobab, at isang bulaklak.Siya ay naglakbay sa iba't ibang asteroid, kung saan nakilala niya ang hari na wala namang pinaghaharian , ang hambog na wala naman talagang tumitingala, isang lasengero, isang negosyante, hanggang mapadpad siya sa lupa, ang planetang pinaninirahan ng hindi mabilang na hari, hambog, lasengo at negosyanteIto ang planeta kung saan abalang-abala ang mga matatanda sa mga bagay na para sa munting prinsipe kung saan siya tumira nang matagal-tagal, at nakakilala ng ahas na magbabalik sa kanya sa planetang kanyang pinanggalingan, daan-daang mga rosas na hindi pumapantay sa ganda ng rosas na nagpaamo sa kanya, at alamid na kanyang pinaamo. Dito niya rin nakilala ang may akda.


SAGUTIN MO!

> Ang ____________ na abalang abala sa pagbibilang ng mga bituin na inaangkin niya.

>Ang __________ na sumasakop ng 'lahat'. Inuutos niya sa kanyang mga 'nasasakupan' na gawin ang mga bagay na mismong ginagawa na nila.

>Ang __________ na tahimik na umiinom para makalimot sa kaniyang ikinahihiyang pag-inom.

> Sino ang tauhan na sumisimbolo sa "sinumang natatangi sa ating buhay"?

>Siya ang nagturo sa prinsipe ng napakamahalagang bagay.











No comments:

Post a Comment