Saturday, January 18, 2020

Suring Basa sa Tekstong: El Filibusterismo

IKATLONG PANGKAT

EL FILIBUSTERISMO

(Touch Me Not)

Isinulat ni Dr. Jose Rizal 
at Isinalin ni Teodoria Espinoza
MGA NILALAMAN:
♦ Pagkilala sa May-akda
Uri ng Panitikan
Layunin ng May-akda
♦ Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan
Tema o Paksa
Mga Pangunahing Tauhan
Tagpuan/Panahon
♦ Nilalaman o Balangkas ng Pangyayari
Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda
Estilo ng Pagkakasulat ng Akda
Buod 
♦Mga katanungan

NAGSURI:     Ibarrientos,Hershey Mae M.
             Broso,John Marrion B.
             Ang,Lance Riley A.
             Naingue,Christian Andre B.
             Andrade,John Miles S.





PAGKILALA SA MAY-AKDA

DR. JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO Y ALONZO REALONDA

 Isang pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. 
♦ Isang polimata;bukod sa siya'y makata,manunulat,at nobelista na ang pinakatanyag sa kaniyang gawa ay ang nobela na Noli Me Tangere at ang kasunod nito na  El Filibusterismo,ay kakikitaan din ng pinakamataas na antas ng kasiningan ang kaniyang pintura at ekultura. 
♦ Isa ring doktor na dinadayo ng mga pasyente mula sa iba't ibang bansa and kaniyang klinika. 
♦ Isa ring Piglota;nakakaunawa ng dalawampu't dalawang wika .
 ♦ Sa buong buhay niya,sinikap niyang maging huwarang kababayan.Ang kaniyang pagsulat ang nagbukas sa bulag na mata at saradong isipan ng mga Pilipino laban sa kastila.



Mga likha ni Rizal

Sculpture(Triumph of death over life)
Painting (Saturnina)
Nobela (Noli Me Tangere)


URI NG PANITIKAN



NOBELA

♦Ang akda ay isang uri ng Nobela na binubuo ng 37 na kabanata.






LAYUNIN NG MAY-AKDA


GOMBURZA
♦Inilathala ni Rizal ang El Filibusterismo para sa tatlong paring martir na sina Gomez,Burgos at Zamora.Sila ay binitay ng mga Espanyol dahil sa pagbibintang sakanila sa kaso ng subersyon at pag uugnay sa kanila sa nangyaring rebelyon sa Cavite noong 1872.Dahil sa hindi makatarungang kamatayan,sumiklab ang damdamin ng mga Pilipino at nag iwan ito ng matinding epekto lalong lalo na kay Rizal.


REBOLUSYONARYONG DAMDAMIN
♦Nais din ni Rizal na mapukaw ang rebolusyonaryong damdamin ng mga Pilipino at imulat ang mga mata nito sa katiwalian ng mga Espanyol.




PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN





ROMANTISISMO 
♦Mababakas sa karakter ni Simoun/Crisostomo ang pagmamahal niya sa kaniyang sinta na si Maria Clara at sa bayan. 
SOSYOLOHIKAL
♦ Ang akda ay nakapokus sa mundong ginagalawan ng mga karakter at konteksto nito at ang mga nag iimpluwensiya dito.
KLASISMO 
♦Ito'y isang uri ng akda na kahit kailan ma'y hindi malalaos at parte na ng ating kultura.





TEMA O PAKSA NG AKDA

PAGHIHIGANTI
♦Ang pangunahing tema ng nobela ay nagpapakita na  ang  paghihiganti  ay  kailanman  hindi  ang solusyon,  mabuti  man  ang  intensyon  o  masama. Naipakita ang ganitong ideya noong tanungin ni Simoun si Padre Florentino matapos masira ang kanyang  plano.  Nais  niyang  maliwanagan  kung bakit hindi ang mga lumapastangan sa bansang Pilipinas  ang  nagdurusa  at  bakit  nabigo  ang kanyang  plano.  Sinagot  naman  siya  ni  Padre Florentino na maaring hindi ito kaloob ng diyos



MGA PANGUNAHING TAUHAN
SIMOUN IBARRA-ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
ISAGANI-ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.Siya ay isang matalinong mag- aaral na may mataas na pangarap para sa bansang Pilipinas at para sa mamamayang Pilipino
BASILIO-ang mag-aarál ng medisina at kasintahan ni Juli.
JULI-Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio
PADRE FLORENTINO-Ang amain ni Isagani.
PAULITA GOMEZ-kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
JUANITO PALAEZ-ang mag-aarál na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugóng Kastila
PADRE CAMORRA-Ang mukhang artilyerong pari.Nangakong tutulungan si Juli na mapalaya si Basilio sa kondisyong papasok ito sa kumbento kung saan ay pinagsamantalahan siya nito.


TAGPUAN/PANAHON


♦Panahon ng Kastila (1892)
♦Ang nobela ay isinulat ni Dr. Jose Rizal noong panahon ng mga kastila sa bansang Pilipinas kaya't masasalamin ang mga pangyayari't karanasan noong nasabing panahon. Ang El Filibusterismo ay karugtong ng naunang nobela ni Dr. Jose Rizal na pimamagatang Noli me Tangere, ang mga pangyayari dito ay itinakdang 13 na taon matapos ng Noli me Tangere at naganap parin sa Pilipinas noong panahon ng mga kastila.



NILALAMAN O BALANGKAS NG PANGYAYARI

♦Karaniwan na ang tema ng paghihiganti sa mga akda, katulad na lamang ng ideyang nangibabaw sa  El  Filibusterismo.  Si  Ibarra,  na  nagpanggap bansa  upang ipaghiganti ang kanyang kasintahan na si Maria Clara at upang ipaglaban ang Pilipinas laban sa mga Espanyol na patuloy na lumalapastangan sa mga Pilipino sa panahong iyon.Nagplano si Simoun ng iba't ibang mga paraan upang pabagsakin ang mga taong may kaugnayan sa kanyang paghihiganti. Ang mga pangyayari ay nailahad ng maayos kahit pa ito ay karugtong ng nobelang Noli me Tangere.


KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA


PAGHIHIGANTI
 Ang paghihiganti,kahit na ang layunin ay para sa kabutihan o kasamaan,ay hindi kailanman magiging isang solusyon. 

KARAHASAN
 Walang maidudulot na kabutihan ang karahasan. 

MATAAS NA POSISYON 
Hindi dapat gamitin ang mataas na posisyon o kapangyarihan upang pagsamantalahan ang mga nasa laylayan ng lipunan.





ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA




ANYONG TULUYAN

Ang akda ay nasa anyong tuluyan na kabilang sa kategoryang nobela. Ang akda ay nakapukaw sa atensyon mga mambabasa lalo na sa panahong ito ay inilathala.Ang mga salitang ginamit ay madaling intindihin maliban na lamang sa mga ilang salitang hindi kadalasang gamitin sa pang-araw-araw na buhay sa  panahon ngayon.





BUOD
Nang tumakas sa Espanya si Crisostomo sa Noli Me Tangere ay nagising isang mayaman na Alahero na umano'y tagapayo ng kapitan.Matapos niyang malaman ang nangyari kay Maria Clara sa kumbento ay dumagdag ito sa naipong-galit ni Simoun. Nakilala niya si Basilio na ngayo'y matanda na kalaunang sumali sa kanyang mga planong rebolusyon. Inimpluwensiyahan niya  ang  gobyerno  na  gumawa  ng  hindi  magandang  mga  desisyon  para  ito'y  bumagsak. Nagplano siya na mag-alsa at pasabugin ang kasal ng dating kasintahan ni Isagani na si Paulita Gomez gamit ang regalong lampara na may lamang pasabog.Natakot si Basillio para kay Isagani  sapagkat  ito'y  dumalo  kung  kaya't  sinabi  niya  ito  at  napigilan  si  Simoun.Siya'y pinaghahanap na ng mga awtoradidad at nalaman ang kaniyang totoong katauhan at siya'y natagpuan ni Padre Florentino sa isang baybayin na sugatan,gutom at pagod.Bago mamatay ay tinanong ni Simoun kung bakit siya nabigo sa kaniyang plano at ito'y tinugunan ni Padre Florentino.

MGA KATANUNGAN MULA SA TALAKAYAN
1.Ilang kabanata mayroon ang nobelang El Filibusterismo? 
a.)35 
b.)36 
c.)37 
2.Nang tumakas si Crisostomo sa Espanya ay nagpanggap siya bilang? 
a.)dokto
b.)alahero 
c.)kapitan
 3.)Ang lahat ng ito ay uri ng teoryang pampanitikan ng nasabing akda maliban sa: 
a.)sosyolohikal
b.)moralistiko
c.)klasismo
 4.Ano ang pangunahing tema ng akda? 
a.)Pag-ibig 
b.)Katatawanan 
c.)Paghihiganti
 5.Siya ang nagbunyag sa plano ni Simoun na pasabugin ang kasal ng dating kasintahan ni Isagani a.)Padre Camorra
b.)Juli
c.)Basilio


No comments:

Post a Comment