PAGLISAN (THINGS FALL APART)
Mula sa Nigeria, Isinulat ni Chinua Achebe, Isinalin ni Julieta Rivera
• Pagkilala sa May-Akda
• Uri ng Panitikan• Layunin ng Akda
• Tema o Paksa ng Akda
• Mga Tauhan / Karakter ng Akda
• Tagpuan / Panahon
• Nilalaman / Balangkas ng mga Pangyayari
• Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda
• Estilo ng Pagkakasulat ng Akda
• Buod
PAGKILALA SA MAY-AKDA
• Ipinanganak siya noong
Nobyembre 16, 1930 sa
Ogdi, Anambra sa Nigeria.
• Nailimbag ang 'Things
Fall Apart' noong 1958 at
naisalin sa ibang lenggwahe.
• Naudyok siyang isulat
ito dahil sa kultura ng mga
Nigerian at sa impluwensiya
ng mga Amerikano sa kanila.
URI NG PANITIKAN
• Ito ay isang nobela na binubuo ng maraming tauhan at mga kabanata.
LAYUNIN NG AKDA
• Layunin ng akdang sabihin sa ating may
mga bagay na hindi naaayon sa ating
kagustuhan at may mga bagay na nasisira at hindi na maibabalik pa.
- PAGLALAPAT NG TEORYA
MARKSISMO
• Ito ay nagbibigay-diin sa 'di pantay-pantay na relasyon tulad ng malakas at mahina.
- Pagmamaliit ni Okonkwo sa kaniyang ama.
- Pinatay ni Okonkwo ang anak-anakan niya sa harap ng angkan niya.
- Inakala ni Okonkwo na nais ng mga pinuno na maghimagsikan kaya pinatay niya ang mga ito.
HUMANISMO
• Ito ay nakasentro sa tao at ang pagbibigay-puri sa pagiging marangal ng isang tao.
- Sa una pa lang ay kinilala nang magaling si Okonkwo.
- Pinatay niya ang anak-anakan niya para maipakitang matapang siya.
- Kinilala pa rin siyang matapang at malakas kahit na inihantulad siya sa isang aso.
TEMA O PAKSA NG AKDA
• Hindi lahat ng mayroon ka’y mananatili sa’yo. Minsan mawawala sila at hindi mo na mababalikan pa. Ito ay napapanahon dahil maaari itong ihalintulad sa kasalukuyan gaya ng pagkawala ng taong mahal mo sa buhay.
MGA TAUHAN / KARAKTER SA AKDA
• Okonkwo (pangunahing tauhan) • Anak ng yumao
• Amalinze • Diyosa ng lupa
• Unoka • Ina
• Ikimefuna • Uchendu
• Tatay • Mga Puti
• Babaeng Umuofian • G. Kiaga
• Ogbuefi Ezeudu • G. Brown
• Obierika • Rev. James Smith
• Ezinma • Enoch
TAGPUAN / PANAHON
• Nabanggit dito ang simbahan dahil na rin ang akda’y may koneksyon sa Kristyanismo. Ang panahon ng kaganapan sa akda ay nakaugnay sa pamumuhay sa lipunan ng mga tauhan sa akda at mga Nigerian sa totoong buhay noong sinaunang panahon.
NILALAMAN / BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
• Hindi mo masasabing ang buhay at ang paglalakbay ni Okonkwo ay magiging masama. Sa simula, ay kinikilalang matapang at respetadong mandirigma at sa huli naman ay naging mamamatay tao.
MGA KAISIPAN / IDEYANG TAGLAY NG AKDA
• Huwag takasan ang mga nagawang aksyon at harapin ito. Huwag matatakot sa pagsubok ng buhay.
ESTILO NG PAGKAKASULAT
• Ang may-akda ay gumamit ng mga mabababaw na salita upang ito’y maunawaan ngunit gumamit din siya ng iilang matatalinghagang salita upang lumikhang kalituhan sa mambabasa at hayaan lang mag-isip tungkol sa istorya. Gumamit din siya ng simbolismo.
BUOD
• Si Okonkwo ang mandirigma at pinuno sa tribo ng mga Igbo sa Nigeria. Nagpapamalas siya ng katapangan dahil ayaw niyang matulad sa kanyang ama na sa tingin niya ay mahina. Ipinangalaga sa kanya si Ikemefuna na tanda na galing sa Umuofia pero napatay niya ito. Si Okonkwo ay tumakas at napatay niya ang anak ni Ogbuefi Ezeudu. Nakalipas ng ilang araw may dumating na isang misyonero na gustong magpakalat ng Kristyanismo. Inabuso ang mga pinuno ng Umuofia at gustong umalis. Pinatay ni Okonkwo ang misyonero gamit ng machete dahil inaakala niyang kasama ng mga rebelde ang misyonero. Dumating ang Komisyoner ng distrito upang maglitis ngunit natagpuan nila na nagpakamatay si Okonkwo.
MGA KATANUNGAN
1.) Ang teoryang ito ay nagbibigay diin sa ‘di pantay-pantay na relasyon ng mahina at malakas.
A. Marxismo
B. Humanismo
C. Historikal
D. Romantisismo
2.) Anong uri ng panitikan ang Paglisan?
A. Alamat
B. Pabula
C. Nobela
D. Talambuhay
3.) Ang teoryang ito ay nagbibigay puri sa pagiging marangal ng isang tao.
A. Marxismo
B. Humanismo
C. Historikal
D. Romantisismo
4.) Siya ang matapang na mandirigma na galing sa tribo ng mga Igbo.
A. Ikemafuna
B. Okonkwo
C. Unoka
D. Ogbuefi Ezeudu
5.) Siya ang awtor ng akdang Paglisan.
A. Chinua Abeoye
B. Chinua Adebayo
C. Chinua Achebe
D. Chinua Owosu
No comments:
Post a Comment